MANILA, Philippines- Brutal na pinaslang ang dalawang babae edad 22 at 26 ng isang 39-anyos na lalaki gamit ang 12-pulgadang kutsilyo sa pag-atake sa Plaza Hollywood nitong Biyernes.
Naganap ito dakong alas-5 ng hapon nitong Linggo, habang namimili ang dalawang babae sa ikatlong palapag ng Diamond Hill mall. Base sa security camera footage, bigla na lamang sinaksak ng assailant ang isa sa mga babae sa labas ng isang cosmetic shop.Â
Agad na nawalan ng malay ang babaeng nasaksak sa kanyang bewang subalit hindi pa tumigil ang lalaki at patuloy itong pinagsasaksak, Itinulak naman ng kaibigan ng biktima ang suspek at sinubukang tumakas kasama ang sugatang biktima. Subalit, nakabangon ang lalaki at muling inatake ang dalawa.
Natumba muli ang sugatang babae habang kinakaladkad ng kanyang kaibigan, na nag-iwan ng bakas ng dugo.
Binantaan ng lalaki ang kaibigan ng babae at patuloy sa pananaksak sa biktima. Matapos ito, hinabol niya ang isa pang babae.
Dead on the spot ang 26-anyos na babae. Isinugod naman sa United Christian Hospital ang 22-anyos niyang kasama subalit idineklara ring patay kalaunan.
Naaresto naman ng mga pulis ang nanaksak sa dalawa.
Isinara ang mall at kinasuhan ng murder ang lalaki.closed and police listed the case as murder.Â
Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo ng suspek. RNT/SA