Home METRO 2 babaeng ‘tulak’ arestado sa P100K shabu sa Caloocan

2 babaeng ‘tulak’ arestado sa P100K shabu sa Caloocan

MANILA, Philippines – TINATAYANG mahigit P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang babaeng drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Ana”, 45 ng Brgy. 120, kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang positibo ang report, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Ana ng P6,500 halaga ng droga.

Nang tanggapin ni Ana ang isang P500 marked money at anim na pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba dakong ala-1:36 ng madaling araw sa Alley 1st Ave., Brgy. 120, kasama ang kanya umanong parukyano na si alyas “Vilma”, 41, ng Brgy., 73.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 18 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P122,400.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan

Previous article38% ng mga Filipino, umaasa sa pagbuti ng ekonomiya sa susunod na 6 buwan – OCTA
Next articleBimby, uuwi na ng Pinas, magso-showbiz!