Home HOME BANNER STORY 2 bagyo posibleng bumayo sa Disyembre

2 bagyo posibleng bumayo sa Disyembre

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isa hanggang dalawang tropical cyclones ang maaaring bumuo o pumasok sa area of ​​responsibility ng bansa sa susunod na buwan.

Sa climate outlook forum nitong Miyerkoles, Nob. 22, sinabi ng PAGASA-Climatology and Agrometeorology Division (CAD) Senior Weather Specialist Remedios Ciervo na kapag ganap na naging bagyo papangalanan ang mga ito na Kabayan at Liwayway, batay sa listahan ng PAGASA.

Binanggit din ng PAGASA na dalawa hanggang limang tropical cyclones ang maaaring bumuo o pumasok sa PAR sa unang quarter ng 2024. Santi Celario

Previous articleDating Davao Oriental mayor, pinagbabaril-patay
Next article2 tigok, 300K hagip ng malawakang baha sa S. Luzon, Vis-Min