Home METRO 2 bahay nasunog sa lumiyab na multicab

2 bahay nasunog sa lumiyab na multicab

MANDAUE CITY-NASUNOG ang dalawang bahay matapos lumiyab ang kinukumpuning multicab nitong Linggo, Setyembre 24 sa lungsod na ito.

Ayon kay SFO1 Filward Morales, imbestigador ng Mandaue City Fire Office, nakatanggap sila ng report bandang 10:54 a.m na nasusunog ang ikalawang palapag na bahay ng isang Ulrico Cabahug sa P. Remedio Street, Barangay Banilad, Mandaue City.

Pagsapit ng 10:59 a.m. ang unang alarma at 11:09 a.m. umakyat ang ikalawang alarma kung saan nadamay ang isa pang dalawang palapag na bahay na katabi ni Cabahug.

Sinabi ni Morales, kinukumpuni ng mekaniko ang multicab sa bahay ni Cabahug ng maghalo umano ang gasolina at tubig.

Kwento ng mekaniko, sinubukan niyang paandarin ang multicab, subalit bigla na lamang itong nag-apoy hanggang sa lumiyab.

Aniya, posibleng nagsimulang sa battery ang apoy hanggan sa inabot ang gasolina na pinagmulan ng sunog.

Sinubukan naman niyang gamitan ng fire extinguisher pero hindi ito gumana, kaya inuna niyang isinalba palabas ng bahay ang kanyang anak hanggang sa tuluyan kumapal ang usok at lumakas ang apoy.

Idineklara naman fire out bandang 11:16 a.m. at wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog habang tinatayang aabot sa ₱50,000.00 ang tinupok na ari-arian. Mary Anne Sapico

Previous articleDOJ, Comelec sanib-pwersa sa Kontra Bigay Program sa BSKE 2023
Next articleRider nasagasaan ng US diplomat, patay