Home NATIONWIDE 2 bangkay nadiskubre sa Thailand cargo container

2 bangkay nadiskubre sa Thailand cargo container

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Ports Authority (PPA) nitong Biyernes na iniimbestigahan nito ang pagkakatuklas sa dalawang bangkay sa loob ng container mula sa Pilipinas na dumating sa Thailand noong October 2.

“Sa ngayon kasi iniimbestigahan pa rin iyan especially kasi sa Thailand siya binuksan ‘no. So idineklarang empty iyong container dito sa Pilipinas and then pagdating doon sa Thailand, doon nakita, bumulaga iyong naaagnas na katawan ng dalawang bangkay, isang babae, isang lalake,” pahayag ni PPA Spokesperson Eunice Samonte.

Hindi naman binanggit ni Samonte ang pagkakakilanlan ng mga labi.

“So iyon din iyong reason kung bakit isinusulong natin sa Philippine Ports Authority iyong container monitoring system…para po dire-diretso at nakikita natin at namu-monitor natin saan ba napupunta iyong mga container at mamu-monitor natin siya online gamit ang tablet po,” ani Samonte. Jocelyn Tabangcura Domenden

Previous articleComelec naghain ng DQ cases vs 5 BSKE candidates
Next articlePura Luka Vega pinayagang magpiyansa