Home NATIONWIDE 2 barko ipinoste ng PCG sa Scarborough bilang proteksyon ng mga mangingisdang...

2 barko ipinoste ng PCG sa Scarborough bilang proteksyon ng mga mangingisdang Pinoy

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Javan ang deployment ng BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Scarborough Shoal.

Nitong Lunes, sinabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armando Balilo na ang deployment ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Sinabi ni Balilo na nakausap ng PCG personnel na dalawang lokal na mangingisda sa bisinidad ng shoal at sinuri ang kalusugan at kanilang fishing operations ng FBCA Princess Yhan Yhan sakay ang 12 crew at FBCA Rundel-1 na may pitong crew.

Sinabi rin ni Balilo na tinalakay din ang banta ng Chinese Coast Guard (CCG) na arestuhin ang non-Chinese fishermen sa West Philippine Sea (WPS).

Tiniyak ng PCG sa mga mangingisda na iingatan ng mga tauhan nito ang kanilang kaligtasan at magbibigay ng seguridad sa kanilang mga aktibidad sa pangingisda. Namahagi din ang Coast Guard ng mga pagkain at gamot sa mga mangingisdang Pilipino upang madagdagan ang kanilang mga suplay.

Nauna nang hiniling ng mga mangingisda ang presensya ng PCG habang sila ay nangingisda sa Bajo de Masinloc kasunod ng banta ng Tsina.

Samantala, ibinunyag ni Balilo na sinundan ng CCG-3106 ang BRP Sindangan sa kanilang routine maritime patrol. Mayroon din dalawa pang CCG vessels sa bisinidad baybayin ng Bajo de Masinloc.

Sa kabilang Banda, nagpapatuloy ang maritime operations ng BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal at sa bisinidad ng Palawan bilang karagdagang suporta sa iba pang aktibidad ng gobyerno.

Tiniyak ng PCG na dadagdagan pa ang kanilang pagpapatrolya upang masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisda . of Masinloc.

“Wala pong nagbabawal sa atin na mangisda sa Bajo De Masinloc kaya ang mga barko ng PCG ay patuloy at salitan po na nagpapatrol. Ang advice lang namin ay iwasan po natin lalo na yung maliit na grupo na lumapit mangisda sa Chinese Coast Guard vessels,” sabi ni PCG Commander Severino Destura Jr.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)