2 bebot, binitbit ng NBI sa P2.4M COVID-19 test kits

2 bebot, binitbit ng NBI sa P2.4M COVID-19 test kits

May 19, 2020 @ 3:07 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang babae dahil sa pagbebenta ng coronavirus disease (COVID-19) test kits sa Paranaque City na mahigpit na pinagbabawal ng Food and Drug Administration.

Hawak ngayon ng National Bbureau of Investigation ang dalawang suspek na kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor NA sina Shanon April Mejia Alegre at Esseline Raisa Su Ong.

Sila ay naaresto ng NBI-Anti Organized and Transnational Crimes Division (NBI-AOTCD) sa entrapment operation kung saan binentahan umano ng mga suspek ang poseur costumer ng 200 box ng COVID-19 test kits na nagkakahalaga ng P2,400 000.

Ito ay sa kabila nang inilabas na paalala ng FDA na tanging ang mga lisensyado importer at distributor lamang ang maaring magbenta, at mga medical professional lamang ang maaring gumagamit at hindi para sa personal use ang mga nasabing test kits na nangangailangan din ng prescription mula sa mga lisensyadong doktor, hospital, o pharmacy.

Sa operasyon, ipinakita ni Alegre ang 200 kahon ng test kits na nasa garahe na may  markings na  “Wondfo SARS-COV-2 Antibody Test (Lateral Flow Method).”

Nang magkabayaran sa loob ng bahay ay dito na inaresto si Alegre at Ong dahil bigong makapagpakita ng License-to-Operate nang hanapan ito ng FDA representatives na kasama sa operasyon.

Inihahanda na ng NBI ang kasong isasampa laban sa dalawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...