Home METRO 2 bebot timbog sa higit P900K shabu sa Las Piñas

2 bebot timbog sa higit P900K shabu sa Las Piñas

MANILA, Philippines- Dalawang babaeng suspek na itinuturing ng pulisya na high value individuals (HVI) dahil sa kanilang pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Intelligence Division (DID) ng Southern Police District (SPD) sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes (Mayo 23) sa Las Piñas City.

Base sa report na natangap ng SPD ay nakilala ang mga inarestong suspects na sina Annie Dacut Evalla, 29, at Jenden Queen Romobio, 34.

Sinabi ng SPD na naisagawa ang matagumpay na buy-bust operation dakong alas-4 ng hapon sa Manukan St., Manuyo Dos, Las Piñas City.

Ang pagkakaaresto sa mga suspects ay bunsod sa nakalap na impormasyon mula sa concerned citizens tungkol sa illegal na aktibidad ng mga suspects.

Makaraang magpositibo ang surveillance operation na inilatag laban sa mga suspects ay agad na nagkasa ng buy-bust ang DDEU at DID sa pakikipagkoordinasyon sa Las Piñas police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Sub-Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto nina Evalla at Romobio.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ng 130 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P910,000 at P500 buy-bust money kabilang ang P3,000 boodle money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa SPD-DDEU custodial facility. James I. Catapusan

Previous articleNo. 4 most wanted nalambat sa Pasay
Next articleSenate version ng estate tax amnesty bill, aprubahan na – Salceda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here