Home NATIONWIDE 2 bidder para sa 2025 online elections ligwak sa Comelec

2 bidder para sa 2025 online elections ligwak sa Comelec

MANILA, Philippines – Dalawa pang bidder para sa gagawing online voting para sa overseas Filipino sa 2025 midterm election ang diniskwalipika ang aplikasyon ng Commission on Elections (Comelec).

Ang dalawang kompanya base sa desisyon ng Bids and Awards Committee ng Comelec ay hindi nakapagbigay ng kumpletong dokumento para sa kanilang intensyon na makilahok sa bidding.

Ang mga kompanya na ito ay ang Indra Soluciones Technologias de la Information, SLU at We Are IT Philippines, Inc.

Agad na pinadalhan ng BAC ng Comelec ng Notice of Ineligibility ang dalawang kompanya upang ipaalam sa kanila na hindi sila kwalipikado sa Online Voting and Counting System ng 2025 Midterm election.

Ayon sa Comelec, sa susunod na buwan muling magsasagawa ang komisyon ng panibagong bidding para maghanap ng kompanya na may sapat na teknolohiya para sa Online Overseas Voting. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePanukala na magpapalawig sa PRC ID ng 5 taon pasado na sa Kamara
Next articleDebate sa pag-amyenda ng ‘Doble Plaka’ law, uminit sa Senado