Bulacan- Arestado ang dalawang pinaghihinalaang tulak matapos umanong mahulihan ng P1,781,600 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Balagtas.
Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek sa alyas JC at JR pawang residente sa naturang bayan.
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Balagtas police station bandang alas-9:10 ng gabi nitong Nobyembre 17 sa Brgy. San Juan.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa 262 gramo na pinaghihinalaang shabu, nagkakahalagang P1,781,600, paraphernalia at marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III