Home METRO 2 binata sugatan sa pananaksak sa Malabon

2 binata sugatan sa pananaksak sa Malabon

442
0

MANILA, Philippines – Malubhang nasugatan ang dalawang binata matapos patraidor na pagsasaksakin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor-de-edad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa likod ang mga biktimang sina Ramir Mandac, 23, at Rico Nobe, 22, kapwa residente ng Adante St., Brgy. Tañong.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek na sina Glen Abantao, 21 ng Liwayway St., Bayan-Bayanan, Jayvee Bulanon,19 ng C4 Road, Brgy., Tañong at ang 17-anyos na binatilyo ng Navotas City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Adante St., Brgy. Tañong dakong alas-11:30 ng gabi nang mula sa kanilang likuran ay sumulpot umano ang mga suspek at sa hindi malaman na dahilan ay patraidor silang pinagsasaksak sa likod.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang sa kabila naman ng tinamo nilang mga sugat ay nagawang maisugod ng mga biktima ang kanilang sarili sa nasabing pagamutan.

Naaresto naman ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni P/Major Patrick Alvarado, kasama sina PSSg Felmark Garcia, PSSg Alexander Neges at PSSg Roldan Angeles. Boysan Buenaventura

Previous articleBabawi kami sa susunod na SEA  Games – Jack Animam
Next articleTourism development plan, OK na kay PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here