Home METRO 2 bodega naabo sa Bulacan

2 bodega naabo sa Bulacan

MEYCAUAYAN, Bulacan- Naabo ang dalawang bodega ng school supplies at mga kagamitan sa bahay matapos sumiklab ang apoy, kagabi (Martes) sa bayang ito.

Ayon kay FSupt. Jeannette Jusayan, ng Bulacan Fire Marshal, bandang alas-9 ng gabi nang magsimulang lumiyab ang bodega ng school supplies sa Barangay Libtong ng nasabing bayan.

Mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa isa pang bodega ng mga kagamitan sa bahay at maging ang firewall ng isang resort ay bumigay na rin.

Umakyat sa ika-apat na alarma bandang alas-10 ng gabi ang sunog dahil bukod sa makipot ang daan ay hirap din ang mga bombero sa pag-apula dahil nauubusan na rin sila ng tubig.

Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa nangyaring sunog habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang sanhi nito. Mary Anne Sapico

Previous articlePagpatay sa mga nanalo sa BSKE kinondena ng Comelec
Next articleIlang preso ng MPD pumuga!