MANILA, Philippines – Nagpadala ang Philippine Fleet (PF) ng dalawang newly commissioned fast attack interdiction platforms (FAICs) sa Visayas at Mindanao para mapataas pa ang naval presence nito sa rehiyon.
Sa pahayag nitong Huwebes, Hulyo 20, sinabi ni PF spokesperson Lt. Giovanni Badidles na idinaos nitong Miyerkules sa Fort San Felipe, Cavite City ang send-off rites para sa BRP Gener Tinangag (PG-903) at BRP Domingo Deluana (PG-905).
“These two new patrol gunboats are en route to the area of operations of the AFP (Armed Forces of the Philippines) Unified Commands in Visayas and in Western Mindanao,” dagdag pa ni Badidles.
Ang FAICs ng Philippine Navy (PN) service ay kilala bilang Acero-class patrol gunboats at nakabase sa Shaldag Mark V missile boats ng Israel.
Ang FAICs na ito ay inihatid sa bansa noong Abril 11 at na-komisyon noong Mayo 26.
Kapwa miyembro ng Philippine Marine Corps at awardees ng Medal of Valor ang mga ito, katulad ng dalawang unang missile boats na na-komisyon sa serbisyo noong Nobyembre 2022.
Ito ay ang BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong.
Ang PN ay may nine-ship order kasama ang Israel Shipyards Limited.
Sa kaparehong pahayag, siniguro naman ni Littoral Combat Force commander Commodore Carlo Lagasca ang kahandaan sa deployment ng mga assets na ito, kasunod ng matagumpay na pagkumpleto sa kanilang operational readiness evaluation.
“To all the personnel of PG-903 and PG-905, I admire you all for being ready and brave to be at the forefront against terrorism, insurgency, traditional threats, and maritime law violators,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Badidles na ang deployment ng brand-new assets na ito ay magpapaigting pa sa pagsasagawa ng maritime patrol, internal secutity at logistics support operations ng Navy.
“It likewise fulfills the Fleet’s mission to deploy assets and personnel in support of the Unified Commands’ respective areas of responsibility in the maritime waters of the Philippine archipelago,” aniya.
Apat sa FAIC-Ms ang aarmasan ng non-line-of-sight (NLOS) missiles na may pinpoint accuracy at range na 25 kilometro habang ang lima iba pa ay aarmasan ng typhoon-mounted 30mm main cannons at .50-caliber heavy machine guns.
Ang pagbili ng mga ito ay kabilang sa proyekto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 sa ilalim ng Horizon 2 List ng AFP Modernization Program.
Ang notice of award para sa FAIC-M project ay nagkakahalaga ng P10 bilyon.
Inaasahang papalitan nito ang medium-sized patrol craft ng PN.
Bago rito, sinabi ni PN chief Vice Adm. Toribio Adaci Jr. na plano ng Navy na bumili pa ng nasa 15 Israel-made Shaldag Mark V missile boat.
Aniya, ang karagdagang Acero-class gunboats ay makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng bansa sa pagpatrolya sa ating karagatan. RNT/JGC