Home METRO 2 buntis na lider ng NPA sumuko sa NegOr

2 buntis na lider ng NPA sumuko sa NegOr

NEGROS ORIENTAL-SUMUKO ang dalawang buntis na lider ng New People’s Army (NPA) at dalawang iba pa, Lunes sa bayan ng Siaton.

Kinilala ang mga ito sa pangalan “Sarah,”, 5 buwan-buntis, miyembro ng Squad 3 at taxation team, at isang “Aubre,” 9 na buwan buntis, educational, finance staff at assistant political officer, ng nabuwag na Southeast Front, Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (SEF, KR-NCBS).

Ayon sa 11th Infantry Battalion (IB) PA, nasagip ang dalawang buntis sa Sitio Katubahan, Barangay Tayak, Siaton at dinala ang mga ito sa Lamberto L. Macias Memorial Hospital, Siaton para sa check-up.

Habang sumuko naman ang dalawa pang NPA sa Community Support Program (CSP) Team noong Linggo sa Barangay Milagrosa, Santa Catalina, Negros Occidental.

Kinilala ang mga ito bilang “Ka Delfin,” kasapi ng Squad 3 ng Samahan ng Yunit Propaganda, at “Ka Bombo,” political guide ng Squad 2 nang nabuwag na Southeast Front.

Bitbit din ng mga ito sa kanilang pagsuko ang M16 rifle na burado ang serial number, 2 magazines ng M16, 30 rounds Ctg 5.56mm ball, rifle grenade, bandolier, at .38 caliber revolver na may limang bala.

Sa pahayag ni Lt. Col. Michael Aquino, naging matagumpay ang kanilang operasyon dahil na rin sa impormasyon ibinigay ng mga residente sa nabanggit na mga barangay.

Tiniyak naman ng pamahalaan na lalo pa nilang paigtingin at pagsisikapan na mahanap ang mga natitira pang miyembro ng nabuwag na grupo para masiguro ang kapayapaan at seguridad sa lugar.

Muli na rin magsama-sama ang apat na sumuko sa tulong ng 11th IB at pamahalaang panlalawigan para mapakinabganan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Pinuri naman ni Major Gen. Marion Sison, commander ng 3rd Infantry Division (ID), pagsagip sa dalawang buntis mula sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang magiging mga anak. Mary Anne Sapico

Previous articleMga bus terminal ininspeksyon ng DOTR sa Christmas exodus
Next articleBong Go: Maging ligtas ngayong Christmas