Home NATIONWIDE 2 Chinese Navy ships namataan sa kasagsagan ng US-PH joint patrols sa...

2 Chinese Navy ships namataan sa kasagsagan ng US-PH joint patrols sa WPS

MANILA, Philippines- Naobserbahan ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang Chinese Navy vessels habang nagsasagawa ang US at Philippine troops ang joint patrols sa West Philippine Sea nitong nakaraang Biyernes.

Sinabi ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad nitong Martes na tila binabanytayan ng dalawang People’s Liberation Army (PLA)-Navy ships ang pinakabagong maritime cooperative activity sa pagitan ng Washington at Manila.

“There [was] the presence of two PLA-Navy ships [on] the horizon,” ani Trinidad sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

NBukod sa dalawang Chinese vessels, wala nang ibang “uninvited guests” sa US-Philippines military exercise, dagdag niya.

“[As for] uninvited guests, no maritime militia, no [Chinese] coast guard vessels were monitored.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na namataan ang Chinese Navy ships sa West Philippine Sea patrols ng US at ng Pilipinas. RNT/SA

Previous articleDom, nagkukulong sa condo unit!
Next articleTINGNAN: Kasalang bayan sa Navotas