Home NATIONWIDE 2 colorum TNVS firm sinita ng LTFRB

2 colorum TNVS firm sinita ng LTFRB

70
0

MANILA, Philippines – Inilantad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang di-umano ay hindi awtorisadong transport network vehicle service (TNVS) companies na nag-ooperate sa bansa.

“There are indeed two unauthorized TNVS companies operating in the Philippines right now,” pagbabahagi ni LTFRB chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III sa press nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Aniya, ang inDrive at Maxim ay walang accreditation mula sa alinmang ahensya ng pamahalaan sa bansa.

Dagdag pa niya, ang inDrive ay isang international ride hailing agency na matatagpuan sa Mountain View, California ngunit nagsimula sa Russia.

Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng InDrive na kasalukuyan silang nagsasagawa ng market research sa bansa at hindi kumikita o naniningil sa mga sumasakay.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng Maxim na sila ay nasa delivery services lamang.

Sa kabila nito, sinabi ni Guadiz na ang naturang mga kolorum na TNVS firms ay nag-ooperate sa iba’t ibang lugar sa bansa at walang opisina sa Maynila.

Ang mga transaksyon din umano dito ay isinasagawa online.

Nakikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-ban ang applications ng mga ito.

Inatasan na rin ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (HPG) na imbestigahan ito at magsagawa ng “manhunt” laban sa illegal ride hailing service companies.

Nanawagan naman si Guadiz sa dalawang TNVS na itigil na ang kanilang operasyon o kung hindi ay aarestuhin ang mga ito. RNT/JGC

Previous article23M national ID naipamigay na – PhilSys
Next articleHinihinalang overpriced camera iimbestigahan ng DepEd