Home METRO 2 dayuhan naharang sa NAIA, Clark Airport

2 dayuhan naharang sa NAIA, Clark Airport

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan na kinabibilangan ng isang Chinese at isang Singaporean, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA) nito lamang nakaraang linggo.

Kinilala ng BI ang Chinese national na si Xue Gang, 33, na naaresto sa NAIA noong Mayo 9 bago ito makasakay sa kanyang flight papuntang Guangzhou, China.

“Xue was barred from leaving after he was found to be on the BI’s derogatory list of foreigners who are wanted for involvement in cyber fraud activities,” ayon sa BI.

Naharang at inaresto rin sa kanyang pagdating sa CIA ang Singaporean national na si Mohamed Faisal Ahmad Kamal, 45. Napag-alaman ng mga opisyal ng imigrasyon na gumagamit ng “tampered passport” si Kamal.

Ayon sa mga awtoridad, natuklasan nila na may mga pinunit na pahina ang kanyang passport sa pagtatangkang itago ang mga nakaraang paglalakbay sa Pilipinas.

“Ahmad Kamal’s travel was also being monitored by officers after he was suspected of escorting a Filipina worker out of the country last April 28 to Singapore. Officers believe that the woman was recruited to work as an entertainer in the said country,” ayon sa BI.

Nakakulong ngayon ang dalawang dayuhan sa pasilidad ng BI sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon. JAY Reyes