Home METRO 2 Dumagat patay, 8 sugatan sa jeep na nahulog sa bangin

2 Dumagat patay, 8 sugatan sa jeep na nahulog sa bangin

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang mangingisdang Dumagat mula sa Sierra Madre, habang sugatan naman ang walo iba pa nang mahulog ang sinasakyang jeep ng mga ito sa 10 metrong lalim na bangin sa Quezon.

Ayon sa Quezon police, sa ulat nitong Lunes, Nobyembre 20, ay binabagtas ng jeepney na minamaneho ni alyas “Loren”, 45, isang Amerikanong pastor, ang Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway sa Barangay Magsaysay bandang 3:30 ng hapon nang mawalan ng preno ang jeep at mahulog sa bangin sa gilid ng kalsada.

Nasawi on the spot ang dalawang pasahero na sina Adelina PeƱamante at Adrian Mercado.

Hindi na idinetalye pa ang ibang impormasyon sa mga nasawi.

Samantala, nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang drayber at iba pang pasahero. Kabilang dito si Nelvin Paul Maldaner, 48, isa namang lalaking Canadian religious pastor.

Sinasabing patungo sana sa General Nakar ang mga biktima para dumalos sa religious service nang maganap ang aksidente. RNT/JGC

Previous articleDOH nagbabala vs pekeng VaxCertPH accounts sa socmed
Next articleTemperatura sa Benguet bumagsak sa 11.3 degrees Celsius!