Home METRO 2 engineering studes kalaboso sa ‘dirty finger’ picture

2 engineering studes kalaboso sa ‘dirty finger’ picture

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Waterfront Police Station sa Cebu City ang dalawang engineering students dahil sa isang larawan kung saan nagpakita sila ng “dirty finger” habang nasa likod ang mga pulis na nakatalagang magbantay sa Sinulog festival.

Kuha ang larawan sa Lapu-Lapu Street, Barangay San Roque, Cebu City nitong Linggo ng gabi.

Naghinala si Patrolman Roldan Ragay, residente ng bayan ng Sibonga, nakatalaga sa nasabing lugar para sa pagbabantay ng seguridad, na may itinatago ang dalawa sa kanilang cellphone.

Giit ng mga estudyanteng kinilalang sina Mario Allan Gabato, 21, ng Barangay Capitol Site at Phillip Kristoffer Cuizon ng Barangay Kamputhaw, hindi nila intensyong kumuha ng larawan habang nasa paligid ang mga pulis.

Anila, naglitrato lamang sila upang ipadala ito sa kanilang group chat matapos maiulat na hindi sinipot ng kanilang mga kaibigan para pumasyal sa lungsod.

Humingi ng paumanhin ang dalawa sa mga pulis at inaming naging padalos-dalos sila sa pagkuha ng larawan.

Maghahain ng kasong unjust vexation laban sa dalawa. RNT/SA

Previous articleMga magsasaka bibigyan ng ₱10B fuel, fertilizer assistance 
Next articleLTFRB naglatag ng plano para sa posibleng pagsisikip sa unconsolidated routes sa Peb. 1