Home NATIONWIDE 2 environmentalist: Dinukot kami ng militar

2 environmentalist: Dinukot kami ng militar

560
0

MANILA, Philippines – Iginiit ngayon ng nauna nang napabalitang nawawalang environmental activist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro, na dinukot umano sila ng mga sundalo habang naglalakad noong Setyembre 2 at isinakay sa van.

Sa ginanap na press conference nang iharap sa mga mamamahayag nitong Martes ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Target sana nito na linawin at pabulaanan ang alegasyon na dinukot ang dalawa.

Pero nang tanungin na sina Tamano at Castro kung sila ba talaga ay kusang sumuko sa mga awtoridad, ani Castro: “Ang tanong na dinukot ba kami o kusa kaming nag-surrender. Ang totoo po ay dinukot kami ng mga militar sakay ng van.”

“Napilitan din kami na sumurrender dahil pinagbantaan ang buhay namin. Iyon po ang totoo. Hindi rin namin ginusto na mapunta kami sa kustodiya ng militar. Hindi rin totoo iyong laman ng affidavit dahil ginawa, pinirmahan iyon sa loob ng kampo ng militar. Wala na kaming magagawa sa pagkakataon na iyon,” dagdag pa ni Castro.

Kwento pa ni Castro na nagpakilala umano ang mga dumukot sa kanila na mga milutar at nakita niya na may nakasulat na 70IB o 70th Infantry Battalion sa papel nang ini-interrogate o tinatanong sila.

Matatandaang na noong Biyernes, sinabi ng NTF-ELCAC na sumuko umano ang dalawa sa Philippine Army’s 70th Infantry Battalion (70IB) sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan noong September 12.

Sa kabilang banda, nanindigan naman si Lieutenant Colonel Ronnel dela Cruz, commanding officer ng 70IB, na sumuko sa awtoridad sina Castro at Tamano.

“Kami po hindi po namin alam iyong sinasabi na po na iyon na event nila. Ang naging ano po ng 70IB roon ay ang pagre-rescue po natin na na-report po sa amin,” ani dela Cruz.

Idinagdag niya na tumulong lang ang 70IB sa pagproseso sa ginawang pagsuko ng dalawa.

Ayon pa kay Dela Cruz, isang impormante ang nag-report sa mga awtoridad tungkol sa dalawang aktibista. Kumilos naman umano ang militar noong September 12, at nagsagawa ng negosasyon. RNT

Previous articleWeather monitoring pagandahin vs baha – PBBM
Next articleEnrique, itinuloy na ang pagsosolo; Ogie, natuwa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here