Home NATIONWIDE 2 estudyanteng inakusahang ‘terorista’ pinawalang-sala

2 estudyanteng inakusahang ‘terorista’ pinawalang-sala

MANILA, Philippines – Inabswelto ng piskalya sa kasong terorismo ang dalawang estudyante na inakusahan ng militar na nagbibigay ng “material support” sa New People’s Army (NPA).

Ibinasura ni Antipolo Associate City Prosecutor Kristoffer Ryan Tayhopon ang reklamong paglabag sa Anti-Terrorism Law (ATL) of 2020 laban kina Kenneth Rementilla at Jasmine Yvette Rubia dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Una nang inakusahan ng isang Sgt. Jean Claude Bacaro ang dalawang estudyante na mga miyembro umano ng Quick Response Team (QRT) ng NPA matapos makita na kasama nila ang human rights worker na si Hailey Pecayo sa burol ni Kyllene Casao, ang 9 anyos na batang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng NPA at ng militar noong Hulyo 2022.

Si Pecayo ay kinasuhan rin ng pagiging terorista ngunit inabswelto kamakailan ng Sta Rosa,Laguna RTC.

Sa siyam na pahinang desisyun, iginiit ng piskalya na ang ginawa ng dalawang estudyante na kumuha ng masasakyan kasama si Pecayo para magtungo sa burol ay hindi maituturing na pagsuporta sa terorista dahil ang pagtungo sa lamay ay hindi isang ‘act of terrorism’ batay sa nakasaad sa Anti Terror Law.

Idinagdag pa ng piskal na nabigo si Bacaro na magpakita ng ebidensya na mga miyembro ng NPA-QRT dahil wala naman nailabas ito na konkretong katibayan. Teresa Tavares

Previous articleNahuhuling lumalabag sa EDSA bus lane kumonti sa taas-parusa
Next articlePinas may pinakamataas na shopping scam rate sa 11 Asian countries