Bagsak sa kulungan ang dalawang ginang na sangkot umano sa illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Cherrie Bautista alyas “Che”, 54, ng Obando, Bulacan at Diwata Pelaez alyas “Diway”, 38, candy vendor ng Brgy. Panghulo.
Ayon kay Col. Daro, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt Alexander Dela Cruz sa Panghulo Road, Brgy., Panghulo.
Advertisement