Home METRO 2 gunrunner na nagbebenta ng high-powered firearms, tiklo sa Lanao

2 gunrunner na nagbebenta ng high-powered firearms, tiklo sa Lanao

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang gunrunner sa Lanao del Sur nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Sa ulat, naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang suspek sa isang entrapment operation.

Sinubukan pang tumakas ng isa sa mga suspek at sinubukan din na itago ng mga ito ang mga armas na ibebenta sana.

“Tatlo ang nakuha natin na firearms, high powered, dalawang M14, isang M16, several rounds of ammos and magazines,” pahayag ni Police Colonel Ariel Huesca, Regional Chief, CIDG-BAR, Regional Field Unit, sa panayam ng GMA News.

“Based sa initial visual and physical examination, may indication na yung mga serial numbers ay… tampered,” dagdag pa ni Huesca.

Ang mga suspek ay naaresto sa Malabang, Lanao del Sur. Kilala ang mga ito na nagbibenta ng mga armas online.

“Sila nag set ng venue ng delivery, marami siyang kasama. May ginamit siyang mga spotter, to check the area kung clear from authorities. Pero dapat may mag-endorse sa iyo para makapasok ka sa transaction, may nag-endorse sa isang operatiba, and nung vinalidate natin, may semblance of truth, entrapment operation,” aniya. RNT/JGC