Home METRO 2 guro pinagbabaril, 1 patay

2 guro pinagbabaril, 1 patay

370
0

PIKIT, Cotabato- BLANGKO pa sa ngayon ang mga awtoridad sa tunay na motibo sa pamamaril sa dalawang guro na ikinasaw ng isa habang kritikal ang kasama nito kahapon ng umaga sa bayang ito.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joel Reformado, 36, binata, head teacher ng Damalasak Primary School habang isinailalim naman sa operasyon sa ospital si Elton John Lapined, 37, ginata, guro ng Mapagkaya Elementary School at kapwa residente ng Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato.

Batay sa report ng Pikit Municipal Police Station, bandang 11:25 AM ng maganap ang krimen sa harap ng Malaunan Elementary School, provincial road Barangay Manaulanan, Pikit, Cotabato, SGA BARMM.

Ayon kay Police Lt. Col. Miridel R. Calinga, hepe ng Pikit MPS, sakay ang mga biktima ng motorsiklo patungo sa Poblacion, Pikit at pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang tinambangan ng mga armadong suspek.

Pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan at napuruhan sa ulo si Reformado na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang isinugod naman sa ospital si Lapined.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon Ginatilan.

Nagpapatuloy ang ginagawang mahunt operation ng pulisya katuwang ang 90th Infantry Battalion-PA para sa agaran pagkakakilanlan sa mga suspek at pagdakip sa mga ito.

Kinondena naman ng mga guro ang opisyales ng Pikit ang pananambang sa mga guro na ikinasawi ni Reformado./Mary Anne Sapico

Previous articleAlamin: Kanseladong flights dulot ni #BettyPh
Next articleIna kulong sa online sex, 5 anak ibinugaw

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here