MANILA, Philippines – Swak sa selda ang dalawang holdaper matapos mangholdap ng 42-anyos na ginang nang makapag-responde kaagad ang mga pulis na nagkataong nagpapatrulya sa lugar, napaulat kagabi sa Navotas City.
Nasa aktong pinaghahatian na ng mga suspek na sina Alfie Andres 35, ng Brgy Maysilo; at Edgardo Santos, 52, ng Naval St., Malabon City ang kanilang nakulimbat mula sa biktimang si Maristel De Chavez, nang dakmain ng mga rumuspondeng pulis sa bahagi ng Brgy. San Roque.
Batay sa ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Badeo-5, Brgy. San Roque dakong alas-2:45ng madaling araw nang salubugin at tutukan ng baril ng mga suspek at nagdeklara ng holdap.
Agad na ibinigay na lamang ng biktima niya ang suot na relos, gintong singsing, at salapi na may kabuuang halagangP5,490.00.
Nang makalayo na ang mga holdaper, humingi na ng tulong ang biktima .
Nagkataon namang nagpapatrulya ang dalawang pulis sa lugar kaya’t kaagad nilang inalam sa biktima ang suot at pagkakalilanlan sa mgasuspek na naging daan ng pagkakadakip sa mga ito.
Nabawi naman ng mga pulis mula sa dalawang holdaper ang lahat ng kanilang nakulimbat.
Nasamsam din mula rito ang isang kalibre .38 baril na may kargang tatlong bala. Merly Iral/Boysan Buenaventura