Home METRO 2 huli sa Las Pinas drug ops, P510K shabu nasamsam

2 huli sa Las Pinas drug ops, P510K shabu nasamsam

MANILA, Philippines – Arestado ng pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) at ng Las Piñas City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang suspects na hinihinalang mga drug pushers sa isinagawang buy-bust operation Martes ng gabi (Enero 23).

Kinilala ni Las Pinas police chief P/Col. Jaime Santos ang mga nadakip na suspek sa mga alyas lamang na Kim, 22, na isang high value individual (HVI), at alyas Emy, 50.

Base sa report na natanggap ng SPD, naganap ang pag-aresto sa mga suspects dakong alas 7:10 ng gabi sa Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang dalawang plastic bags at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 gramo na nagkakahalaga ng P510,000.

Bukod sa shabu ay narekober din sa mga suspects ang P1,000 buy-bust money na ginamit sa operasyon na nakapatong sa ibabaw ng 30 counterfeit money, android cellular phone, at digital weighing scale.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ang mga suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

Previous article‘Shrinkflation’ sign sa mga produkto pinag-aaralan ng DTI
Next articleMiyembro ng “Sputnik Gang” swak sa baril at shabu sa Pasay