MANILA, Philippines – Rehas ang bagsak ng dalawang tulak ng iligal na droga na listed High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.
Base kay Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO at Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Major Segundino Bulan Jr, ng buy bust operation sa Caloocan North na nagresulta sa pagkakaaresto kay Freddie Lusac, 33 at Mary Rose Peronilla.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang medium plastic sachets at isang knot-tied plastic bag na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000, buy bust money, P1,000 bill at isang Toyota Van.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez