Home METRO 2 jobless luminya sa droga, nalambat ng PDEA!

2 jobless luminya sa droga, nalambat ng PDEA!

155
0

MANILA, Philippines- Nalambat ang dalawang jobless sa illegal drugs controlled delivery ng magkasanib na pwersa ng PDEA NCR SDUO at NAIA-IADITG sa Makati City magtatakipsilim Lunes.

Sa inisyal na ulat, nadakip ang mga suspek na sina Angeline Clair Nacua, 25-anyos na residente ng #603 SM Jazz Residence, Tower B, Nicanor Garcia St., Makati City; at CHOI SOL na Korean National, na residente ng #5-B A Ricarte St., Phase 4, AFPOVAI, Western Bicutan, Taguig City makaraang tanggapin ang parcel.

Tinatayang ang 1 parcel ay mayroong humigit-kumulang 255 gramo ng crystalline substance na hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na may current street value na P1,734,000 na itinago sa antique french telephone.

Una rito ay nagplano ang operating Units NAIA-IADITG, PDEA NCR- SDO at Makati City Police Sub-Station 6 Bgy. Poblacion ng Controlled Delivery dakong alas-5:30 ng hapon nitong February 6, 2023 sa SM Jazz Residence, Nicanor Garcia Street, Makati City – Bel-Air, sa harsp Coffee Bean and Tea Leaf Shop.

Nakumpiska sa suspek ang 1 parcel na may airway bill no. 74 4706 0714 na deklaradong “Antique French Phone” na ipinadala ng Bleu Griotte ng Marceau Leandres 17 Grande Rue 69110 Ste Foy Les Lyon, France na naka-consign kay Angeline Claire Nacua ng SM Jazz Residence, H27C+6PP, Nicanor Garcia Street, #1747 Tower D, 1209 Makati City – Bel-Air. na naglalaman ng styro- fillers; at 1 bubble wrap na may1 antique french phone na may black sack bag; at 1 transaprent plastic pouch na naglalaman ng more or less 255 gramo ng white crystalline substance; 1 Blue clipboard; 1 Parcel receipt; 1 kopya ng Invoice; 2 ID; 3 Cellular Phones; 4 Master Cards.

Dinala ang mga nakumpiskang drugs materials sa pdea laboratory para sa kaukulang pagsusuri, habang ang mga suspek ay sa PDEA detention facility mananatili habang hinihintay ang desisyon ng korte. Dave Baluyot

Previous articleManang Medina, nagpaka-daring, pinag-uusapan sa Vivamax!
Next articlePaglobo ng teenage pregnancies sa edad 10 -14, dapat nang maresolbahan – Angara