Home METRO 2 kalaboso sa P7.9M shabu!

2 kalaboso sa P7.9M shabu!

ILOILO CITY – Arestado ang dalawang high-value individuals na nakuhanan ng 1,170 gramo ng hinihanalang shabu na nagkakahalaga ng P7.956 milyon sa isang buy-bust sa Barangay Malipayon-Delgado sa lungsod na ito nitong Miyerkules ng gabi.

Dinakip sa operasyon, sa pangunguna ni Capt. Glenn Soliman of the Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), si alyas Erwin, 22, ng Barangay Baldoza at isang “Pirot” ng Barangay Ingore, kapwa mula sa La Paz District.

“This is a big help in our efforts to prevent the entry of illegal drugs possibly for use in the city during the Dinagyang Festival,” pahayag ni Soliman sa isang panayam.

Aniya, tumangging pangalanan ng dalawang suspek, na nagtatrabaho bilang warehouse caretakers, ang kanilang sources.

Gumagamit sila ng kotse upang maghatid ng ilegal na droga sa kanilang mga parokyano.

Bumili ang undercover agents ng P80,000 shabu habang natuklasan ang iba pang stock sa harap ng passenger seat ng asul na sedan.

Kabilang din sa mga anrekober ang 22 plastic sachets at 14 piraso ng transparent plastic bags na naglalaman ng hinihinalang illegal substance, P1,500, at iba pang non-drug items.

Kasalukuyang hawak ng Iloilo City Police Station 1 ang mga suspek habang hinihintay na masampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“They have no arrest record per our initial inquiry, but we will conduct confirmation. We will have their criminal records checked,” dagdag ni Soliman. RNT/SA

Previous articleAmnesty sa 11 kasapi ng CPP-NPA na kinasuhan sa pananambang sa mga sundalo, malabo na
Next articlePalengke nagliyab; pinsala higit P200M