Home METRO 2 kasabwat sa pamamaril-patay sa kapitan naaresto

2 kasabwat sa pamamaril-patay sa kapitan naaresto

638
0

TAAL, Batangas- ARESTADO ang dalawang suspek na hinihinalang kasabwat ng gunman sa pamamaril-patay sa punong barangay noong Miyerkules sa barangay hall sa bayang ito.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa ospital ang biktimang si PB Resty Hernandez, Brgy. Zone 10, Taal Batangas.

Ayon kay PMAJ Fernando O. Fernando, hepe ng Taal Municipal Police Station, bandang 7:30 AM nasa labas ng kanilang barangay ang biktima ng biglang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at walang babalang pinagbabaril ang biktima gamit ang .45 kalibre na baril.

Matapos ang krimen tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sta. Teresita, Batangas.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya natunton ang ginamit na motorsiklo at suot ng damit at helmet ng mga suspek sa dalawang lalaki na pinaniniwalaan kasabwat sa krimen.

Inihanda na ang kasong isasampa sa dalawang naaresto.

Sinabi ng pulisya, na tatakbo ang biktima sa ikalawang termino sana nito bilang barangay chairman sa nalalapit na barangay and Sangguniang Kabataan elections./Mary Anne Sapico

Previous articleTatay patay kay junior
Next article10 Tsino, 3 Pinoy arestado sa sugal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here