Dalawang lalaki na kinilalang sina “Toto” (40) at “Totong” (48) ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City noong gabi ng Abril 28.
Nasabat mula sa kanila ang 270 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1.836 milyon (₱6,800 kada gramo).
Kapwa residente ng Purok Manayawsayaw ang mga suspek.
Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa:
>Section 5 – Pagbenta ng ipinagbabawal na gamot
>Section 11 – Pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot
>Section 26 – Pagtangkang krimen o sabwatan
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Police Station 7. RNT