Home METRO 2 kelot kalaboso sa boga at iligal na sugal

2 kelot kalaboso sa boga at iligal na sugal

MANILA, Philippines – Huli sa magkasunod na operasyong isinagawa ng mga pulis ng Gen T. De Leon Police Substation 2 ang dalawang lalaki sa paglabag sa P.D 1602 (Prescribing stiffer penalties on illegal gambling) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Kinilala ang dalawa na sina Rosero Lot, at Rolly Tampoy, kapwa nasa hustong gulang, at parehong residente ng nasabing barangay.

Nasamsam sa kanila ang isang asul na sling bag na naglalaman ng isang revolver, at perang humigit kumulang P300, kasama ang tatlong pirasong mamiso bilang pangara na agad naman ibinigay sa Valenzuela City Police Station-Station Investigation Unit.

Nakahanda silang sampahan ng kaukulang kaso sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Iral

Previous articleTape, Inc., Eat bulaga pa rin ang titulong ginagamit!
Next article141 PDLs ng Manila City Jail, pinalaya