Home METRO 2 kelot kulong sa pagdukot at paggahasa sa magkapatid na nene

2 kelot kulong sa pagdukot at paggahasa sa magkapatid na nene

NAGA CITY-SHOOT sa kulungan ang dalawang binata matapos dukutin at gahasain ang magkapatid na dalagita na nakilala lamang sa social media, nitong Martes, Enero 23 sa lungsod na ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Naga Police Station ang mga suspek na hindi pinangalanan na may mga edad 18 at 19.

Habang nasa pangangalaga naman ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magkapatid na edad 11 at 14.

Batay sa imbestigasyon ng Naga-PNP, bandang 7:45 PM noong Enero 21, inireport na nawawala ang magkapatid.

Makalipas ang dalawang araw na paghahanap, natunton ang mga biktima sa isang kubo malapit sa bahay ng mga suspek sa Barangay South Poblacion, Naga City.

Inamin naman ng mga suspek na nakilala nila ang mga magkapatid sa social media at nagkaroon ang mga ito ng relasyon.

Napagkasunduan umano nila na magkita hanggang sa dinala ito sa kubo at doon isinakatuparan ang makamundo nilang pagnanasa.

Sa himpilan ng pulisya, humingi ng dispensa ang mga suspek sa mga magulang mga biktima at pinangakuan na pakakasalan ang mga ito.

Posible naman maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11648 o statutory rape ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous article‘Underage’ Pinay nagtangkang lumipad pa-Oman bilang OFW, naharang ng BI
Next articleComelec sa barangay officials: ‘Wag makialam sa signature campaign sa people’s initiative