Home METRO 2 kelot timbog sa droga sa Parañaque

2 kelot timbog sa droga sa Parañaque

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Parañaque police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang durg suspects na nakuhanan ng P102,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Huwebes, Disyembre 7.

Sa report na isinumite ng Paranaque police sa Southern Police District (SPD) ay kinilala ang mga suspek sa mga alyas lamang na “Boyet”, 47, at “Dondon”, 48.

Base sa imbestigasyon ay napag-alaman na nadakip ang mga suspek dakong alas-11:50 ng gabi sa Barangay Sun Valley, Parañaque.

Sinaib ni Paranaque City police chief P/Col. Reycon Garduque na isinagawa ng mga tauhan ng SDEU ang operasyon laban sa mga suspects dahil sa mga reklamo sa kanilang aktibidad sa ilegal na droga.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng 15 gramo ng shabu, coin purse, Xiaomi cellular phone at ang P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal possession of prohibited drugs. James I. Catapusan

Previous articlePasahero sa nawalang Piper plane tinutunton pa
Next article2 atletang taga-Valenzuela, umariba