Home METRO 2 laglag sa higit P7.1M shabu

2 laglag sa higit P7.1M shabu

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nalambat ng mga awtoridad nitong Sabado sa isang buy-bust operation sa Caloocan City ang dalawang sinasabing magkasintahang sangkot sa droga.

Sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto sa 6127 Zapote Road cor. Ilang-ilang Street, Brgy. 177, Caloocan City ang mga suspek na kinilalang sina Raquel Ducan Macmod, 33, residente ng La Forteza St., Brgy. 175, Camarin, Caloocan City at Abdulbasit Abdullatip Ali, residente ng Upper Bicutan, JP Rizal, Taguig City, bandang alas-12:55 ng madaling araw.

Nakuhanan sila ng 10 transparent plastic bags na naglalaman ng puting crystalline  substance suspected na hinihinalang Methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na isang kilo at limang heat-sealed transparent plastic sachets na hinihinalang parehong uri ng ilegal na droga at may bigat na 50 gramo. Tinatayang aabot ang standard drug price sa P7,140,000. Gayundin, nasabat ng mga awtoridad ang iba’t ibang identification cards, isang analog phone, at puting Toyota Vios.

Nahaharap ang dalawang arestadong suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165. Merly Iral

Previous articleKagawad, kalaguyong senior huli sa akto!
Next articleHigit 3.8M video sa Pinas tinanggal ng TikTok