MANILA, Philippines – Himas-rehas ang dalawang lalaki matapos manggulo habang iwinawasiwas ang dalang baril sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155, RPC at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to Omnibus Election Code ang mga naarestong suspek na sina Manuel Abella alyas Ugi, 42, Aljon Gilbuena, 29, kapwa residente ng Brgy. NBBB.
Sa report ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa Brgy. NBBN dakong alas nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang hinggil sa dalawang lalaki na gumagawa ng kaguluhan sa naturang lugar kung saan isa sa mga ito ay armado ng baril.
Kaagad namang pumunta sa nasabing lugar ang mga pulis at naabutan nila ang mga suspek na nagsisigaw at naghamon ng away habang iwinawasiwas ni Abella ang hawak na baril.
Hindi naman pumalag ang mga suspek nang lapitan at arestuhin nina PSSg Joey Ang at Pat Mark Brian Bautista kung saan nakumpiska kay Abella ang isang improvised firearm (pen gun) na may isang bala. Boysan Buenaventura