MANILA, Philippines – Matapos na manalo ang nag-iisang Cavite bettor sa Super Lotto 6/49 jackpot nitong Huwebes, isa pang maswerteng nanalo ang nakakuha ng Mega Lotto 6/45 jackpot noong Biyernes, Hunyo 2, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nasolo ang P41,256,521.60 na jackpot prize na amswerteng nahulaan ang winning combination na 25 -15 -05 -11 -09 -03.
Samantala, 173 manlalaro ang nakakuha ng ikalawang premyo na may katumbas na halagang P32,000, at 4,950 na taya ang nanalo ng tig-P1,000 sa ikatlong puwesto.
Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P193, 037, 324.80.
Ang winning digit combination ay 48 -45- 36- 39- 13- 38. RNT