MANILA, Philippines – Maliit ang tsansa na maging isang bagyo ang dalawang low-pressure areas (LPAs) na minomonitor sa bansa.
Sa ulat ng PAGASA, ang isang LPA ay nasa 875 kilometro silangan-hilagang silangan ng extreme Northern Luzon, nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang isa pang LPA ay namataan naman 1,960 kilometro silangan-hilagang silangan ng Eastern Visayas at nasa labas pa ng PAR.
“The LPA outside PAR enhances the southwest monsoon (habagat) that affects Mindanao. So we are expecting high chances of rains, particularly in Zamboanga Peninsula,” sinabi ni Obet Badrina ng PAGASA. RNT/JGC