Home NATIONWIDE 2 major training exercises ng AFP tapos na

2 major training exercises ng AFP tapos na

MANILA, Philippines- Natapos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang major training exercises ngayong linggo at tiniyak na paiigtingina ng defense capabilities nito sa pagtugon sa umiigting na external threats, kasama ang cyber domain.

Pormal na natapos ang unilateral “Dagat, Langit at Lupa” o AJEX DAGIT-PA exercises at ang Kamandag exercises sa pagitan ng Philippine at US marines nitong Biyernes.

Tinututukan ng AFP ang cyber defense dahil kinikilala nito ang epekto ng cyber threats sa national security.

Layunin ng cyberspace operations nito na bantayan, tukuyin, tugunan at makarekober mula sa cyber attacks upang matiyak ang confidentiality at integridad ng military plans at iba pang kritikal na datos.

Ayon sa AFP, ang “cyb-ex”o cyber defense exercises ay itinuturing nang “common fixture” sa training missions ng units nito maging ng allied forces.

“We’re doing a lot of maritime security exercises, a lot of kinetic exercises in the littorals. So, you will see a drastic shift, away from the tactical and more on the operational level,” pahayag ni Colonel Mike Logico, tagapagdalita ng AJEX DAGIT-PA. RNT/SA

Previous articleP20M ayuda inilaan para sa mga biktima ng lindol
Next articlePinas ‘on track’ sa pag-abot sa debt ratio target