Home NATIONWIDE 2 mananaya mula Nueva Ecija, Manila maghahati sa P70.8M jackpot sa Mega...

2 mananaya mula Nueva Ecija, Manila maghahati sa P70.8M jackpot sa Mega Lotto

MANILA, Philippines – Paghahatian ng dalawang mananaya mula Nueva Ecija at Metro Manila ang P70.8 milyong jackpot mula sa draw ng Mega Lotto 6/45 nitong Lunes, Pebrero 26.

Sa abiso nitong Martes, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang winning combination 29-07-09-20-03-26 ay tinamaan para sa total jackpot prize na P70,879,526.80.

Ang winning tickets ay binili sa Sta. Cruz, Manila at Nueva Ecija.

Mayroong isang taon mula sa petsa ng draw ang mga nanalo para kunin ang kanilang premyo.

Isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang draw ng 6/45 Mega Lotto. RNT/JGC

Previous articleHinihinalang onion smuggling iniimbestigahan ng BPI
Next articleMister sinaksak ng napikon na misis