Home METRO 2 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Quezon

2 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Quezon

LUCENA CITY- Nasaklolohan ang dalawang mangingisda nitong Linggo matapos lumubog ng kanilang bangka dahil sa malakas na alon sa Lamon Bay sa Atimonan, Quezon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ulat, sinabi ng PCG-District Southern Tagalog na namataan ang maliit na fishing boat na nakalubog na ang kalahati halos 100 metro ang layo mula sa dalampasigan ng bay park nitong Linggo ng hapon.

Nagtungo ang PCG personnel, kasama ang mga lokal na awtoridad, sa site at sinagip ang dalawang mangingisda na sina Simon at Eugene, kapwa residente ng Barangay Tagbakin.

Gamit ang mga lubid at life rings, nahila ng rescuers ang bangka patungo sa dalampasigan, habang nasa maayos na kondisyon naman ang dalawang mangingisda.

Ayon sa mga mangingisda, nawasak ang kaliwang outrigger ng kanilang bangka dahil sa malakas na alon, dahilan upang bahagyang lumubog ang sea vessel.

Pinayuhan ng PCG ang mga mangingisda na iwasang maglayag sa karagatan kapag masama ang panahon upang maiwasan ang katulad na insidente sa hinaharap. RNT/SA

Previous article3 senior patay sa sunog!
Next articleDayuhang pugante naharang ng BI sa NAIA!