Home METRO 2 menor de edad, binaril ng 17-anyos na binatilyo sa Cebu

2 menor de edad, binaril ng 17-anyos na binatilyo sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay ang isang menor de edad habang sugatan ang isa pa matapos na barilin ng isa pang binatilyo Biyernes ng umaga, Disyembre 29 sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Ang biktima ay natukoy na 13-anyos at 15-anyos na lalaki.

Nangyari ang insidente sa kalsada sa Borces corner H. Joaquino Street sa Sitio Santa Cruz, Barangay Mabolo.

Nagtamo ng tama ng bala ang dalawang binatilyo mula sa gunman na binatilyo rin.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit binawian din ng buhay ang isa.

Ayon sa social media post ng Barangay Mabolo Public Information Office, natukoy at nahuli agad ang suspek matapos ang insidente.

Ito ay isang 17-anyos na lalaki na si alyas “Dansoy.”

Dinala na sa pulisya ang naarestong suspek. RNT/JGC

Previous article459th Fiesta Señor 2024, handa na!
Next article343 NPA-infested communities sa Visayas, nalinis na!