Home METRO 2 menor de edad patay sa kidlat sa Cavite METRONATIONWIDETOP STORIES 2 menor de edad patay sa kidlat sa Cavite May 26, 2023 16:54 545 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang menor de edad matapos tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa Cavite. Sa Barangay Pasong Camachile 2, General Trias City, ang unang biktima ay kinilalang si Xian Prangan, 10 taong gulang. Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang anak nito na makikipaglaro at magpapalipad ng saranggola sa palayan. Bagama’t pinagbawalan dahil umuulan at kumikidlat ay pumuslit pa rin ang anak nito. Kalaunan ay narinig na lamang nito ang malakas na hiyawan kasunod ang malakas na kidlat. Doon na nalaman na tinamaan na pala ng kidlat ang bata. Samantala, sa Barangay San Francisco ng kaparehong bayan, patay din ang 16-anyos na construction worker matapos tamaan ng kidlat. Sa impormasyon, nag-aayos na lamang ng mga gamit ang mga biktima pabalik sa barracks ng mga ito nang mangyari ang insidente. Dead on arrival ang biktima at sugatan naman ang kasamahan nito. Ani Executive Assistant Fernando Olimpo ng General Trias City Hall, isolated case lamang ang pangyayaring ito. RNT/JGC