Home METRO 2 miyembro ng Dawlah patay sa sagupaan vs MILF

2 miyembro ng Dawlah patay sa sagupaan vs MILF

352
0

MAGUINDANAO DEL NORTE-DALAWANG miyembro ng Dawlah Islamiya (DI) ang namatay matapos makasagupa ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Lunes sa lalawigan ito.

Ayon kay Brig. Gen. Oriel Pangcog, commander ng 601st Infantry Brigade PA, bandang 5:00 PM sumiklab ang matinding sagupaan sa Barangay Mother Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del sa pagitan ng MILF commander Saga Malandag ng 118th base command, at DI Group sa ilalim ni commander Abdulnasser Guianid.

Sinabi ni Pangcog, tumagal ng ilang oras ang bakbakan ng dalawang grupo sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Sa pagresponde ng tropa ng pamahalaan sa nabanggit na lugar naabuta na lamang nilang ang bangkay ng dalawang DI na nakabulagta sa lupa.

Dagdag pa ni Pangcog na ang matagal ng alitan sa lupa ang ugat ng matinding sagupaan ng dalawang grupo.

Kasalukuyan naman nakaalerto ang militar at naglagay na rin ng mga armored personnel carrier sa naturang barangay sa posibleng paghihiganti ng dalawang anoman oras./Mary Anne Sapico

Previous articleViral road rage ulit sa Davao naman
Next articleRider na nag-FB-live pinagbabaril-patay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here