Home NATIONWIDE 2 miyembro ng ‘Luffy’ gang idineport ng BI

2 miyembro ng ‘Luffy’ gang idineport ng BI

MANILA, Philippines- Ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa ang dalawang Japanese national na kilalang miyembro ng notoryus na “Luffy” gang.

Kinilala ng BI ang mga dayuhan na sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito na ipinatapon ng umaga nitong Marso 26, at sumakay sa isang flight ng Japan Airlines patungong Tokyo.

Nabatid na ipinatapon sina Kazushi at Saito dahil sa pagiging undesirable aliens matapos silang tukuyin ng gobyerno ng Japan bilang mga pugante dahil sa iniulat na pagtatrabaho bilang fraudulent callers sa isang criminal group na bumibiktima sa kanilang mga kababayan.

Sila ay sinasabing paksa ng warrant of arrest na inilabas ng Tokyo Summary Court dahil sa pagiging bahagi ng malakihang telecom fraud group.

Ang BI ay may dahilan din para maniwala na ang dalawa ay maaaring bahagi ng grupong Luffy, na umano’y nakagawa ng sunod-sunod na marahas na krimen sa Japan.

Nabatid na ang dalawa ay nagtago sa Pilipinas mula pa noong 2019. Isang manhunt ang isinagawa laban sa kanila at sa kanilang mga kasabwat matapos makatanggap ng opisyal na komunikasyon mula sa gobyerno ng Japan noong Pebrero 2023 na nagpaalam sa kanilang criminal status.

Matatandaang naging laman ng balita si Shimoeda Saito noong Nobyembre 16, 2023 matapos itong maharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 habang tinatangka niyang tumakas sa bansa sakay ng Cebu Pacific flight papuntang Nagoya, Japan.

Nang malaman na siya ay inaresto, siya ay gumamit ng mga nakababahalang taktika, kung saan sinadyang iuntog ang kanyang ulo sa immigration counter at nagkunwari pang balisa.

“Their deportation is a significant achievement in our efforts to disrupt criminal networks victimizing unsuspecting individuals,” ani Tansingco. “This successful deportation is a testament to the collaborative partnership and good relationship between the Philippines and Japan. We will not allow our country to be used as a hiding ground for criminals and syndicates,” dagdag pa ng opisyal. JAY Reyes

Previous articleMagsasaka binato sa ulo patay sa senglot
Next articleFuel surcharge para sa buwan ng Abril Level 6 pa rin