Home METRO 2 most wanted sa Calabarzon tiklo sa Rizal

2 most wanted sa Calabarzon tiklo sa Rizal

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) nitong Sabado, Hunyo 22 ang pagkakaaresto sa dalawang indibidwal na nasa listahan ng most wanted ng Calabarzon dahil sa mga krimen ng pagpatay at multiple rape.

Ayon kay Col. Felipe Maraggun, director ng RPPO, kinilala ang construction worker na si “Muklo,” na matagal nang pinaghahanap dahil sa murder, na naaresto sa Taytay nitong Biyernes.

Sa kaparehong araw sa Tanay, naaresto naman ng mga awtoridad si “Aubrey” na sangkot naman sa two counts ng rape.

Naaresto ang dalawang suspek sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ng Regional Trial Courts sa Antipolo City at Morong.

“The successful apprehension of these suspects reflects the unwavering commitment of the Rizal police to their sworn duty,” ayon kay Maraggun.

Nasa kustodiya ng Taytay at Tanay police ang mga suspek. RNT/JGC