Home METRO 2 motorsiklo sinuwag ng van; 3 patay, 2 sugatan

2 motorsiklo sinuwag ng van; 3 patay, 2 sugatan

ILOCOS SUR- Tigok ang tatlong katao samantalang nasa ospital ang isa pa matapos na aksidenteng mabangga ng isang van ang kanilang mga motorsiklo sa Brgy. Bahet, San Ildefonso ng lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilalang San Ildefonso Municipal Police Station ang driver ng Hyundai Starex Van na si Dionisio Maristela Jr y Rodriguez, 46, residente ng Nagsabaran, San Juan, Ilocos Sur.

Kinilala naman ang driver ng Yamaha NMAX motorcycle na si MJ Tamayo, residente ng Magsingal, Ilocos Sur.

Kasama ni Tamayo na nakasakay sa sa kanyang Yamaha NMAX ang dalawang backride nito na sina Rodel Palacpac, residente ng Solid West, Vigan City at Andrei Fermato, residente ng Busiing Norte, San Ildefonso, Ilocos Sur.

Ang isa pang motorsiklo, ang Honda PCX motorcycle ay minamaneho naman ni Gian Marco Ortiga Domingo, residente ng Balaleng, Bantay, Ilocos Sur.

Parehong patungo ng timog na direksyon sa national highway sa naturang lugar ang dalawang motorsiklo at pagsapit nila sa pinangyarihan ng aksidente, ang Hyundai Starex Van na patungo naman ng opposite direction ay bigla na lang umagaw umano ng linya at sinalubong ang dalawang motorsiklo hanggang sa bumangga ito sa concrete barrier ng tulay.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver ng Starex Van kaya dumeretso sa kabilang lane ang naturang sasakyan.

Pare-parehong nagtamo ng serious injury ang mga sangkot sa naturang aksidente na agad namang nadala sa ospital.

Gayunman, ang mga driver ng dalawang ng motorsiklo at ang backrider na si Palacpac ay idineklarang dead-on-arrival. Rolando S. Gamoso

Previous articleUS tinawag ni Quiboloy na ‘one-sided’
Next articleBarangay chairman, kagawad, tanod patay sa pamamaril!