Home METRO 2 naglalakad binaril patay

2 naglalakad binaril patay

MAGUINDANAO DEL NORTE- DUGUAN bumulagta ang dalawang lalaki matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek ang mga una na naglalakad nitong Sabado, Marso 30 sa probinsyang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Abdulgani Ayunan at Latip Hadji Gapor, pawang nasa hustong gulang at residente ng Barangay Piers, Buldon, Maguindanao del Norte.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na kinilalang sina Ato Katanungan at Salman Dicatanungan.

Batay sa report ng Buldon Municipal Police Station, bandang 9:00 PM nang maganap ang krimen sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang mga biktima ng biglang dumating ang mga suspek at walang babalang pinagbabaril ang mga biktima.

Agad na nasawi si Ayunan habang nalagutan naman ng hininga sa ospital si Gapor sanhi ng mga tinamo nilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

Previous articleJeep bumangga sa puno 2 patay, 22 sugatan
Next articleMga pasahero sa mga pantalan, dagsa na pabalik ng Metro Manila