MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang indibidwal habang 700 pamilya naman sa 14 na munisipalidad ang inilikas sa Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Goring.
Ito ang sinabi ni Ruelie Rapsing, pinuno ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office nitong Lunes, Agosto 28, kung saan ang mga lokal na opisyal ay nagsagawa ng preemptive evacuation sa 14 munisipalidad dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Wala pang naiuulat na nasawi at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala dahil sa bagyong Goring.
Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa probinsya at bumubuti na ang panahon sa probinsya.
“Last night 6pm huminto ‘yung moderate to heavy rains…Lumiliwanag na ang kalangitan namin dito,” ani Rapsing. RNT/JGC