Home METRO 2 nawawala sa landslide sa Caraga, Davao Oriental

2 nawawala sa landslide sa Caraga, Davao Oriental

DAVAO – Naiulat na nawawala ang dalawang katao matapos ang landslide na naganap sa Sitio Panlaisan sa Barangay Pichon, Caraga, Davao Oriental ngayong Miyerkules, Enero 31, 2024, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ng pamahalaang panlalawigan na naiulat ang malakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa matapos itaas ng state weather bureau ang red rainfall warning sa Davao Oriental.

Lumikas ang ilang residente sa bayan ng Governor Generoso dahil sa kritikal na lebel ng tubig sa Barangay Surop, Osmeña, Tandang Sora, Crispin dela Cruz, Oregon, Poblacion, at Don Chicote.

Sinimulan din ang paglikas sa Purok 4, Sitio Liptong, Central sa bayan ng Manay.

Sa Mati City, naganap ang pagguho ng lupa sa kahabaan ng Sitio Slide sa Barangay Mayo, na naging dahilan upang hindi madaanan ang daan papunta at pabalik ng Tarragona. Lubog din sa tubig baha ang kalsada sa kahabaan ng Rotunda, Dahican. RNT

Previous articlePahayag ng PDEA na wala sa drug watch list si PBBM, kinontra ni Duterte
Next articleUtang ng Pinas pumalo sa P14.62T sa 2023